|
||
|
April 2008 |
||
|
. |
||
|
Biotek tulong sa
pagresolba Ni Melissa M. Mañalac Sa isang taon, humigit kumulang sa 119 na kilo ng bigas ang nakakakin ng isang tao. Dito sa Asya, ang bigas ang tinaguriang “staple food.” Sa buong mundo, mahigit sa 700 milyong tao ang rice-dependent. Kung tutuusin, sabi ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice, dito sa Pilipinas mahirap nang itaas ang antas ng produksyon ng palay dahil naabot na ng mga magsasaka ang limit nito. Sa ngayon nasa pito hanggang walong toneladang palay na katumbas ng 140 hanggang 160 na bag ng palay kada ektarya ang inaani ng magsasaka sa isang planting season.
Mula pa noong 1995, ibinebenta na sa merkado ang dalawang alternatibong rice varieties na gawa ng PhilRice – ang Tubigan 7 (NSIC Rc 142) at Tubigan 11 (NSIC Rc 154) Parehong Bacterial Leaf Blight (BLB)-Resistant ang Tubigan 7 at 11. Hindi na apekatado ng BLB ang mga uri ng palay na ito na produkto ng isang midlevel biotechnology process na tinatawag na Marker Aided Selection (MAS). Ang MAS ay isang paraan ng paggamit ng mga molecular markers o pagpili ng DNA. Sa prosesong ito, pinipili lamang ang DNA ng palay na may resistance sa BLB. Kapag tinamaan ng BLB ang palay, nasisira ang dahon nito, na siyang pinagnagmumulan ng carbohydrates. Hihina ang produksyon at maaapektuhan ang kita ng magsasaka. Sabi ni Nenita Desamero, Chief Science Research Specialist ng PhilRice, ang mga alternatibong palay ang sagot ng biotek sa problema ng global warming. “With global warming, ang projection ‘yung mga nalulubog mas lalong malulubog, yung mga dry mas lalong magiging dry. Kaya natin ina-address ‘yon. We have no choice but to be ready sa mga scenario in the future,” sabi ni Desamero. Sa ngayon nagsisimula na ang PhilRice sa breeding program para sa mga drought-tolerant rice varieties. Ginagawa ang uring ito ng palay sa pamamagitan ng conventional na paraan. Pinag-aaralan pa ng PhilRice kung paano magagamit ang MAS at kalaunan ang genetic engineering para mas mapadali ang pag-develop ng ganitong uri ng palay. Ang drought-resistant na palay na ito ay kayang tumubo kahit tagtuyot. Nitong nakaraang taon, naging problema ng mga magsasaka ang mababang ani dahil sa tumamang tagtuyot sa bansa. “Mayroon na rin tayong mga work from PhilRice-Midsayap at UPLB, nako-collaborate rin namin, nakaka-develop na rin sila ng mga lines. And we have some lines na according to the breeders ay ready na for testing sa mga drought-prone environments,” sabi ni Desamero. Dahil may mga lugar din na bahain,submergence-tolerant rice varieties naman ang sagot dito ng PhilRice. Gawa ang uri ng palay na ito sa pamamagitan ng MAS. “Ibig sabihin yung mga low-lying areas. Dito sa Nueva Ecija meron tayo ‘yung San Antonio. Isa yun sa mga mga pilot areas.” Ang submergence-tolerant rice variety ay kayang manatiling nakalubog sa tubig sa loob ng dalawang lingo. Mahalaga, sabi ni Dr. Antonio Alfonso, Supervising Science Research Specialist ng PhilRice, na pagtuunan ng pansin ng mga dalubhasa, gobyerno at magsasaka ang mabuting maitutulong ng biotek sa pagpapaunlad ng pagsasaka. “If we can increase production level by reducing effects of insects, pests and diseases. If we can make unproductive lands productive, we can help increase production level. Kaya natin ito,” ani Alfonso. |
Biotek tulong sa pagresolba sa mahigpit na supply ng bigas
Rehistrasyon sa SEC Moringa oil pagkain na biodiesel pa 10 biotek entrepreneurs kinilala ng Go Negosyo BIONet Zamboanga Peninsula handa sa biotek Golden Rice susugpuin ang pagkabulag Coco-sugar: asukal mula sa tuba Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives |
|
|
|
||
|
BIONet Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network |
||
|
|
||