|
About Us l Contact Us l Links lll Sitemap |
|||
|
|
Malunggay BIOCommerce Isa ang Tarlac sa unang sumama sa pagma-malunggay. Kasama si Tarlac Governor Victor Yap na nagpasimuno sa pagtatanim ng malunggay ng makita niya ang potensyal nito bilang pagkain, produktong pang-benta, gamot at alternatibong langis sa mga susnod na taon. Dahil sa inisyatibo ng Tarlac Provincial Government, nabuksan ang mas maraming oportunidad para sa bio-negosyo o bio-commerce ng malunggay sa lugar.
Si Tarlac Provincial Agriculturist Weng Tabamo, na Secretary din ng BIONET Pilipinas ang nakipag-ugnayan sa DA-BPO para rito. Ang mga Aeta ay minulat sa pamamagitan ng isang seminar, na naglarawan sa kanila ng benepisyo ng pagtatanim ng malunggay at kung paano ito makakatulong sa kanilang kabuhayan. Sila ay napiling biyayaan ng seminar na ito dahil sa potensyal ng malunggay bilang pandagdag ng kanilang. Makakatulong ito sa pagtataas ng antas ng buhay ng karaniwang Aeta na salat sa pagkain, edukasyon at pera. Malalaking plantasyon din ang kailangan para sa paglinang sa buto ng malunggay bilang isang alternatibong biodiesel. Sa Tarlac, maraming malalawak na lupain na maaring pagpunlaan ng buto ng malunggay. Sa ilalim ng programang “Buklod-Serbisyo Para Sa Katutubong Aeta,” nabuksan ang pagkakataon para sa mga Aeta na maging mga “agri-businessmen” sa hinaharap. Mahigit sa 3,000 pamilyang Aeta sa 12 mahihirap na komunidad sa Tarlac ang makikinabang dito. |
BIONet Center of Tarlac established Malunggay BIOCommerce |
||
|
|
BIONet-BIOCommerce Center,
Biotechnology Information and Organization Network
Official Website. |