|
||
|
June 2008 |
||
|
. |
||
|
CBCP bukas sa pag-aaral sa biotek
Santo
Papa maglalabas ng pahayag Ni LIA M. Mañalac BUKAS ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na higit na pag-aralan ang isyu kaugnay sa paggamit ng bioteknolohiya sa larangan ng agrikultura. Ito ang sinabi ni Malolos Bishop Jose Oliveros, Chairman ng CBCP Office on Bioethics sa pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), DA-Biotechnology Program Office (BPO) at iba pang stakeholders. Ayon kay Bishop Oliveros, bukas ang CBCP na makipag-diyalogo sa mga stakeholders ng bioteknolohiya para maunawaan ang mga benepisyong hatid ng paggamit ng produktong agrikultural na biotek.
Nakatakdang magbigay ng opisyal na pahayag si Pope Benedict XVI tungkol sa bioteknolohiya ngayong Hunyo. Bagamat hindi pa tiyak si Bishop Oliveros sa magiging pahayag ng Vatican tungkol dito, nagpahayag naman ito ng opinyon na hindi malayong paboran ng Santo Papa ang paggamit ng bioteknolohiya lalo na sa pagtugon sa dumaraming bilang ng mga taong nagugutom sa mundo. “Ang pinagtutuunan ng pansin ng Santo Papa ngayon ay ang katotohanang milyon-milyon ang natutulog ng gutom. Paano nga ba natin lulutasin ang suliranin ng pagkagutom? Binibigyan tayo ng sagot ng biotechnology. At hindi salungat sa kalikasan ng tao na gamitin ang biotechnology dahil tayo ay nilalang ng Diyos na may isip na magagamit upang painamin ang mga biyaya ng kalikasan. Ang prinsipyong ito ay maaaring gamitin upang mapayagan ang paggamit ng biotechnology,” sabi ni Bishop Oliveros. Matagal na ring hinihintay ng mga stakeholders ng bioteknolohiya ang anumang magiging pahayag ng Santo Papa lalo pa’t alam naman ng lahat na malaki ang papel na gagampanan ng simbahan para mabura ang mga maling paniniwala tungkol sa biotek.
Ang gusto ng Simbahan ay makatiyak din na
sapat ang regulasyon na ipinatutupad kaugnay sa mga produktong gawa ng
biotek, para matiyak na ‘di ito makakasama sa mga tao, hayop at
kalikasan.
“Ipinagmamalaki namin ang ating regulatory
system. Anumang produkto na hindi nakapas sa aming ebalwasyon at risk
assessment ay hindi makakapasok sa ating bansa,” paniniyak ni
DA-Undersecretary for Policy, Planning and Regulation Segfredo Serrano. Si Dr. Saturnina Halos naman ang nagpaliwanag kay Bishop Oliveros ng mga panuntunan at regulasyon ng DA sa bioteknolohiya at sa mga produkto nito upang masigurong ang mga ito ay ligtas. Nagbigay din si Halos ng update kay Bishop Oliveros tungkol sa mga produktong biotek na ginagamit na ngayon ng mga magsasaka at mga kasalukuyang pinag-aaralan pa lamang ng mga siyentipiko.
Sa pulong, ipinaalala rin ni Bishop Oliveros
sa mga stakeholders na una nang naglabas ng statement noon ang CBCP
tungkol sa ilang kuwestiyon kaugnay sa paggamit ng Bacillus
thuringiensis (Bt) corn. Pero agad ding pinawi ni Dr. Javier ang pangamba ni Bishop Oliveros kaugnay nito, “Since 1996 up to now, over one million hectares of genetically modified (GM) crops have been harvested and eaten, wala namang nagka-allergy o namatay sa pagkain ng Bt Corn dito kahit sa US.” |
Santo Papa maglalabas ngpahayag hinggil sa gamit ng biotechnology BIONet-BIOCommerce Center pauunlarin ang Tarlac Pagtatanim ng malunggay pinaigting ng Cavite Seminar ng wastong pagtatanim ginanap sa Cam Sur Pribadong sektor magtatayo ng plant ng malunggay sa Marawi Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network |
||
|
|
||