A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

May 2008

.

Kailangan ang suporta sa abaca

Ni ANN BURGOS

ANG Abaca fiber o mas kilala sa buong mundo bilang Manila Hemp ay nagmumula sa mala-saging na puno ng Abaca.

Ito ay itinuturing na pinakamalaking kontribusyon ng Pilipinas sa pandaigdigang  kalakalan sa agrikultura. Napakalaki ng panganailangan ng Abaca fiber sa kalakalan dahil sa maraming gamit nito.

Noong unang panahon ay lubid lamang ang gamit ng Abaca fiber. Kinalaunan, natutunan na rin itong gamitin bilang papel, tea bag, cigaret filter, sausage casing, furniture, tela, at ang pinakabagong teknolohiya ay ang paggamit ng abaca  fiber bilang alternatibo ng mga fiber glass sa mga intiryor na parte ng mga sasakyan.

Hindi maikakaila na ang Pilipinas ang namamayagpag sa mundo ng kalakalang agrikultural, saklaw ang 85 porsyento ng pagsu-supply ng Abaca sa buong mundo.

Tumutubo ang Abaca sa halos lahat ng pook sa bansa, ngunit ang mga pangunahing probinsiyang nagtatanim nito par sa pandaigdigang kalakalan ay ang Sorsogon, Leyte, Southern Leyte, Catanduanes, Davao Oriental, Northern Samar, Davao del Sur, Sulu, at Surigao del Sur.

Ang mga Abaca fiber na nagmumula sa Leyte at Southern Leyte ay ang itinuturing na pinakamataas ang kalidad.

Isa sa pinakamahalagang industriya sa Pilipinas ang pagsusuply ng Abaca sa iba’t ibang bansa.

Ang industriyang ito ay nakapagpapasok ng humigit- kumulang sa $76 milyon kada taon.  Halos 1.5 milyong Pilipino ang nakadepende sa Abaca bilang pangunahing  ikinabubuhay.

Pero nakakabahala ang kalagayan ng industriya ng  abaca.

Nagbabadya kasi ang pagkamatay nito dahil sa mga peste gaya ng Abaca Bunchy Top (ABT), Abaca Mosaic (AM), at ang pinakabago ay ang Bract Mosaic (BM).

Napakalaki ng mawawala sa ekonomiya kung mamamatay ang industriyang ito.

Ang Department of Agriculture sa tulong ng Fiber Industry Development Authority (FIDA) ay gumagawa na ng paraan para  ‘di mamatay ang industriya ng Abaca.

Kasalukuyang pinagaaralan ng DA-FIDA kung paano makakagawa ng panibagong binhi ng Abaca na hindi tatalaban ng alin man sa tatlong nabanggit na peste.

Ilang dekada na ring pinagaralan ng mga siyentipiko kung paano malulutas ang ganitong suliranin sa bansa, subalit hanggang ngayon as tila blangkong pader pa rin ang kinakaharap.

Ang pagkakaron ng genetically mutated (GM) Abaca sa bansa ang maaaring maging solusyon sa kasalukuyang problema hindi lamang sa industriya ng Abaca kundi pati na rin sa iba pang pananim.

Napakahalaga na mailunsad ng DA-FIDA ang GM Abaca dahil patuloy na tumataas ang pangangailangan ng Abaca sa pandaigdigang kalakalan.

Ilan sa mga bansang may pinakamataas na demand ng Abaca ay ang Estados Unidos, United Kingdom, South Korea, Japan, at France.

Sa pamamagitan ng biotechnology, maaaring maiwasan ang pagkakasakit ng mga halaman ng Abaca.

Bukod dito ay malaki ang maitutulong ng GM Abaca hindi lamang sa mga magsasaka, kundi pati na rin sa gobyerno.  Makakatipid sa gastos sa mga insecticide at herbicide at iba pang kagamitan sa pagtataboy ng mga peste sa humigit- kumulang na P89.4 milyon.

Mababawasan din ang paggamit ng mga pesticide ng 30 porsyento  hanggang 90 porsyento  mula sa kasalukuyang P2,000 kada hektarya sa loob ng isang taon. Higit sa lahat ay aangat ang kita ng mga magsasaka ng halos 600 porsiyento  ng kasalukuyang P5,000 kada taon sa isang hektarya.

Ang Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP) ang kasalukuyang namamahala sa paghahanda ng isang dokumento na maaaring magamit sa pagtingin sa mga paksang kaligtasan ng pagbebenta o pagdadala sa merkado ng abaca.

Ang dokumentong ito ang gagabay sa mga mananaliksik sa mga iba pang pag-aaral na sasagot sa iba’t iba pang usapin ukol sa abaca.

Pinag-aaralan ng University of the Philippines Los Baños-Institute of Plant Breding-Crop Science Cluster ang pagdapo ng Bunchy-Top, Mosaic at Bract Mosaic Resistance sa Abaca sa pamamagitan ng radiation-induced mutation.

Inaasahang maging matagumpay ay proyektong ito nang sa gayon ay mai-pares sa mga magagandang binhing abaca ang mga mutant lines na virus resistant.

 Kasabay na rin ng proyektong ito ang pagtuklas sa mga tinatawag nilang molecular markers  ng abaca upang mas mapadali ang  breeding  ng magagandang uri ng halamang Abaca.  

Back to top

'Simple lang ang malunggay ngunit dapat maalaga sa pagtatanim'

DepED, pinagtatanim ng malunggay ang mga paaralan

Bio-N Congress ginanap

Bioethanol mula sa tira ng palay at paggamit ng anay

Kailangan ang suporta sa abaca

Editorial

Tungo sa mainam na buhay

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph