A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

October 2007

.

Biotech 'go' na sa mayors

Ni ROJA SALVADOR

PARA silang mga estudyante. Masinsin na nakinig sa mga lecture at handang sumagot sa mga katanungan. Pero pagkatapos ng dalawang araw, sila ang nagbigay ng positibong marka sa unang kursong ginawa  para sa Mayors’ Development Center (MDC) ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ukol sa pagsusulong ng biotechnology para sa kaunlaran.

Ang Local Government Unit (LGU) Course on Biotech na ginanap sa Dumaguete City noong Setyembre 13 at14 ay naglalayong palakasin ang mga lokal na pamahalaan, at puspusang linangin ang mga benepisyo ng biotechnology sa mga magsasaka, negosyante at mga mamimili para sa pagpapaunlad ng mga LGUs.

Ito ay bunga ng mahigit isang taong pagsisikap at pagtutulungan ng Department of Agriculture(DA)–Biotechnology Program Office, Biotechnology for Life Media Advocacy and Resource Center (BMARC), International Service for the Acquisition of Agri-biotech Applications (ISAAA) at ng MDC.

Walong mayor at mga kinatawan mula sa 17 nagsasakang mga bayan mula Luzon hanggang Mindanao ang lumahok sa naturang pilot course kung saan nila natutunan ang mga isyu tungkol sa tradisyunal at modernong biotechnology. Binigyang diin dito ang mga aplikasyon nito partikular sa agrikultura, at ang iba’t ibang paraan kung paanong makakatulong ang mga LGUs sa mga magsasaka at negosyante na pakinabangan ng lubos ang mga potensyal pangkabuhayan na dulot ng biotek.

Ayon kay Cavinti, Laguna Mayor Florcelie L. Esguerra, ang pagkatuto hinggil sa biotechnology at mga oportunidad pangkabuhayan na dulot nito ay nakatulong sa kanyang tukuyin ang mga estratehiya para mas mapaunlad ang kanyang bayan sa pamamagitan ng masusing pagpaplano at pagpapatupad ng programang biotek para sa lalong pagyabong ng sektor ng agrikultura.

Ganito din halos ang naging pahayag ni Mayor Joel Ray Lopez ng Sta. Cruz. Davao del Sur  na nagsabing matapos kunin ang kurso ay lalong nabuksan ang kanyang kaisipan at pananaw sa mga potensyal na benepisyo ng mga aplikasyon ng biotechnology.

Nagalak din si Lopez na ang pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng DA at mga kasama nitong mga ahensiya  ay sumusuporta  upang palakasin ang mga LGUs.

Itinuring namang isang hamon ni Santa Maria, Laguna Mayor Josie Cuento ang matuto hinggil sa mga potensyal ng biotechnology upang painamin ang pamamahala.

Iminungkahi nito na paglaanan ng higit na panahon ang mga LGUs upang lalong malinang ng mga namumuno ang mga praktikal na aplikasyon ng biotechnology na malaki ang pag-asang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga nagdarahop, lalo na sa kanayunan.

Mananawagan naman sa kanyang nasasakupan si Mayor Ariel Magcalas ng Sta. Cruz, Laguna, pati sa lokal na Biotechnology  Information and Organization Network (BIONet) sa nasabing probinsya upang magsagawa ng mga pananaliksik at pag-aaral para magamit ang makabagong teknolohiya sa kanilang lugar.

Ang  mga punongbayan ay nararapat na dumalo sa mga pagsasanay at mga seminar sa tungkol sa biotechnology at potensyal nitong makapagbigay ng dagdag na kabuhayan upang mapalakas ang pamamahalang local, ayon kay Magcalas.

Ayon kay dating Mayor Gerardo Calderon ng Angono, Rizal na ngayon ay pangulo ng  MDC, ang  biotechnology ay isa sa mga alternatibong paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga patung-patong na problemamg kinakaharap ng bansa.

Hinikayat nito ang mga punongbayan at lahat ng kumuha ng kurso na samantalahin ang pagkakataon at makipag-ugnayan sa DA upang lalong madagdagan ang kaalaman sa biotechnology.

Ang “pilot-testing” ng LGU Course on Biotech ay magsisilbing “take-off point” ng MDC upang maipamahagi sa lahat ang mga kaalaman kung paanong madagdagan ang produksyon sa mga sakahan.

Nangako din si Calderon na ipagpapatuloy ang programa upang tulungan ang mga alkalde na malaman ang biotechnology at lubusang mapakinabangan ito.

Back to top

Biotech 'go' na sa mayors

Malunggay agri-business program gets boost

UPLB revives plan to establish biotech network

GMO products as safe as non-GMOs, expert says

Editorial

Mayors join biotech bandwagon

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

 

 

 

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices
at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293
and (02)3728560. Email address:
bionetpilipinas@gmail.com
.